Thursday, April 27, 2017

Episode 10

Fitspiration101.
So nakita ko yung post kay Mon Gutierrez about sa body transformation nya. Napaisip ako sa tanong nya, what is your excuse? Palit kami bng status tignan natin kung magiging madali. Actually maraming excuse dahil tamad ako but hear me out. Naks hear me out. Realist ako, kung ano man ibig sabihin nun, masarap pakinggan eh. Walang mahirap bes kung marami kang pera. Pgkain pa lang na 80% ang reason kung san manggagaling ang result ng workout mo then 20% sa workout. Teka mali, 10% sa workout 10% sa pagkain at 80% yung mga tsiks sa gym na nakakasabay mo. Pero sa seryosong pagkakataon 80% motivation then the rest ikaw na bahala maginsert kung ano man yun. Maraming pwedeng excuse. Himay himayin natin.
Oras (dahil sponsored tong ginawa nya kaya ginagawa nya) ikaw bes kung babayaran kita para magwork out diba gagalingan mo din? Kung wala kang ibang gagawin or kung 80% ng ginagawa mo for a daily base is connected sa pag gigym, malaki chances na magiging matso ka talaga. Kasi kung ecoconsider mo kaming mga empleyadong gustong umaakyat o gustong umakyat sa corporate ladder, taena bes wala naman nakalagay sa kontrata na need mo 12hours na shift sa opis. Di ko na isasama yung oras ng pagbyahe pauwi at papasok ng inaabot ng 25hours na byahe. Pero ginagawa mo dahil need mo para sa career growth. At bakit career growth dahil sa....
Pera, kung mag gym ka 50/day times 20 mo or sabihin natin 500petot para sa bakal gym, 500 is pamasahe mo na for 1 week. kumusta pa yung suppliments, mga pagkain mong kailangan bilhin na mas mahal pa kesa dun sa pangkaraniwang pagkain. Sa pagwowork out kailangan mong gumawa ng dietary plan kung ano kakainin mo. Paano ko nalaman? *Ehem* napanood ko. Akala mo ginawa ko no? Bukod sa pagkain syempre kailangan mo ang...
Workout plans. Di lahat parepreho ng workout dahil iba iba tayo ng body types iba iba din ang work out. Hindi porket yun ang ginagawa nung matso eh magiging same din result sayo. Kailangan mo rin econsider na noob ka at nagpapanggap ka lang na alam mo ginagawa mo dahil nakikita mong yun ang ginagawa nila. Pagwala kang program bale wala din pgworkout mo kasi dun mabuibuild yung maskels mo. At kailangan mo din ang...
Magpahinga. Di pwedeng puro kain gym at tsiks. Kailangan mo din magpahing. Maraming tulog. Pero sa pangkaraniwang taong may pamilya swerte ka na kung makakatulog ka ng 8 hours. Naalala ko dati nung bata pa ako na 12nn kailangan matulog at may requirement, dapat 3pm ang gising. Ayaw ko pa nun. Kung alam ko lang na pagtanda ko eh mahihirapan na ako makakuha ng tulog sana pala sana pala...teka late na may pasok pa bukas taena nag time space warp na naman yung oras.
Pero kung binabasa mo pa rin to. Nayare na naman kita. Actually para sa akin to. Kailangan ko ma magpapayat. Syet taena 240lbs na ako ang exercise lang na nagagawa ko everyday eh ang maglakad ng 1 milyon 200 tawsan milliseconds. Compyut mo kung ilan yun. Di lang pala para sa akin to, pati na rin sa mga taong tumataba dahil sa pagkain ng masasarap na libre galing opis. Di pa huli ang lahat kailangan lang ng Dede-cation. Orayt rakenrol! Amen mga kapanalig. O sya matutulog na ako at bukas magdadadiet na ako.... sana.

Wednesday, October 14, 2015

Episode 9

Aswang.

Usapang kakatakutan tayo, dahil kanina sa floor may kakaiba akong naramdaman kaya ang siste derecho ako sa queens, dahil doon wala masyadong tao pag-umaga. Speaking of katatakutan, naniniwala ba kayo sa aswang? Ginogel ko pa kung ano ang ibig sabihin ng aswang.

An Aswang (or Asuwang) is a vampire-like witch ghoul in Filipino folklore and is the subject of a wide variety of myths and stories. Spanish colonists noted that the Aswang was the most feared among the mythical creatures of the Philippines, even in the 16th century. (credits to wiki).
Nangyari tong story na sasabihin ko sa inyo, way back in 2007. Sa dati kong work, nagkaroon kami ng outing sa may puerto galera. Nakalimutan ko yung pangalan ng resort basta merong kasamang swimming pool. Maaga kaming nakarating sa isla puerto galera dahil maaga kaming umalis galing Ayala. Habang nasa byahe, nag-uusap na kami ng mga tropa ko sa work kung anu anong pwedeng gagawin. Yung isa naming kasama may dalang gitara para daw pwede kaming magkantahan habang nag-iikot sa isla o nagiinuman. Dahil company outing, meron mga events na kailangan mong salihan para makipag-interact sa ibang employees. Pag-outing andyan ang kainan, kwentuhan, inuman at kwentuhan ulet. Pagkatapos ng activity nagsimula ang inuman. Sa grupo namin, isa lang yung malakas uminom kaya noong lumalalim na ang gabi marami pa sa amin ang di inaantok. Di ko matandaan kung sino yung nag-aya na maglakad-lakad basta ang natatandaan ko merong nag-aya na maglakad lakad muna dahil maliwanag yung buwan at first time ng karamihan sa amin na makapunta ng Puerto Galera. Gulo ng pagkaka-construct ng sentence ano?

Habang naglalakad kami, nagkakantahan kami tapos yung isa nag-gigitara. Sa sobrang saya, di namin namamalayan na malayo na pala yung nalalakad namin. Medyo tago yung lugar na napuntahan namin na resort kaya wala masyadong bahay na makikita. Di ko makakalimutan yung gabing yun. Full moon kaya sobrang liwanag ng kalangitan tapos kitang kita mo yung mga bituwin na bihira mo lang makikita sa Manila. Okay na sana yung gabi na yun kasi maganda yung view, malamig yung simoy ng hangin, walang stress at relax na relax kaming lahat. Sa sobrang relax namin, di namin alam kung paano kami napunta sa lugar na yun pero namalayan na lang namin na malayo na kami dahil nakarinig kami ng ingay na di naman namin naririnig kanina.

Yung ingay nanggaling sa mga taong nagkakagulo. Eto yung classic, alam nyo yung napapanood nyo sa pelikula na may dalang apoy para gawing ilaw (torch)? Yun yung una naming nakita. Di pa namin nakikita yung mga tao pero alam naming nagkakagulo sila dahil yung sigaw maririnig mo tapos mga galit. Noong mga oras na yun, natakot ako dahil baka mamaya madamay kami sa gulo. Napatigil din kami sa paglalakad tapos nagkatinginan kami dahil yung ingay palakas ng palakas tapos kita mong lumalapit yung apoy o siga. Eto yung natakot na kaming lahat, kita ko sa mukha ng mga kasama ko dahil nung time na yun nakikita na namin sila at kingmother, may hinahabol sila!

Oly syete! Halos lahat kami di makagalaw dahil nakita namin yung hinahabol nila! Yung hinahabol nila parang taong grasa. Magulo yung buhok sira sira yung damit tapos madungis, yung nakikita nyo sa kalsada na taong grasa parang ganun. Pramis eto yung moment na e-wiwish mo na sana nasa bahay ka na lang at nagpapahinga. dahil nakita namin na papunta sa amin yung hinahabol nila. Lahat kami di alam yung gagawin tapos walang gumagalaw dahil na-shock kami dun sa mata nung babae, nanlilisik tapos kulay pula. Noong makita ng humahabol sa babae na andun kami sa pupuntahan nung babae, sumigaw na sila. "Umiwas kayo dyan sa babaeng yan! Aswang yan!". King mother! Aswang!? Never kong inimagine o pinangarap na maka-encounter ng aswang. Kadalasan sa pelikula lang o kwento lang ng kaibigan na narinig nya sa lola ng kaibigan nya na narinig lang din ng lola nya sa kaibigan ng pinsan ng lola nya. Fck! Di ako makagalaw. Yung isa sa mga humahabol nagbato na ng sibat kaso kapos! Yung isa binato nya na yung hawak nya na torch kaso kapos din.
Nagsimula lang kaming makagalaw noong isa sa amin, sumigaw ng "Layo!". Mabilis yung pangyayari na parang sa pelikula, kanya kanya kaming takbo. Yung isa sa kaliwa, yung isa sa kanan tapos yung isa bwesit! Dahil tinulak ako, kingmother! Kung mababasa mo to Ron hanggang ngayon naalala ko pa rin yung ginawa mo! Napabagsak ako, di ko alam kung napalakas yung tulak sa akin o dahil sa takot kaya di kaagad ako nakatayo. Dito yung akala ko the end ko na at di ko na makwekwento ang experience na to. Noong mga 5 meters na lang yung aswang, doon ko nakita na nagtransform sya na baboy na itim! Sa maniwala kayo sa hindi, yung metamorphosis ng butterfly from uod parang ganun yung nangyari kaso mabilis na version. Manood kayo ng shake rattle in roll na aswang ang kwento para ma-imagine nyo kung ano yung nakita ko.

Mga ilang hakbang na lang sa akin yung baboy na asawang na biglang may dumaan sa gilid ko. Potek! Parang may background music na mighty mouse, dahil yung tropa namin na may dalang gitara sinalubong yung aswang tapos hahatawin ng gitara. BOOM! Ang lakas ng tunog, tinamaan yung aswang! Pagkatama noong gitara bumalik sa akin tapos inalalayan ako makatayo. Di ko alam kung paanong nangyari, pagtingin namin yung baboy na itim naging asong itim na pero yung mata namumula pa rin. Dahil siguro sa lakas noong tama nung gitara napatigil yung aswang tapos yung mga tao na humahabol sa kanya, naabutan na sya. May nagtapon ng lambat, huli! Eto na yung signal para tumakbo na kami papalayo dun sa aswang. Noong makita nilang nahuli na sa lambat yung aswang, nagsimula nang magbato ng sibat at apoy yung ibang tao. Di ko alam, kung kulang lang sa praktis yung mga taong yun pero ni isa walang tumama. Siguro dala na rin ng sugar rush (naks sugar rush), nasabi ko sa tropa ko "Pare kuha tayo ng bato, tulungan natin sila". Yung tropa ko kumuha ng malaking bato. Ako ang ginawa ko, kumuha ako ng sibat ng isa sa mga taong andun. Di ko alam kung matatamaan ko basta ang alam ko tatargetin ko lang yung aso. Eto yung mga moment na, kingmother ka! Papatayin mo pa ako ng walang kalaban laban. Pagbato ko, parang nagslow motion yung paligid. Kitang kita ko na tatamaan yung aswang sa bandang tyan. Alam ko sa sarili ko na pagtinamaan sya, siguradong butas yung tyan nya. Split seconds lang, nang biglang magbagong anyo ulet yung aswang. Kingmother! Ang bilis ng pangyayari. Di tinamaan yung aswang! Badtrip! Yung aswang naging...


...tae.
End.

Monday, October 12, 2015

Episode 8

High School.

Baby, ohh..even in my heart I see, you're not being true to me. Deep within my soul I feel. Naks Napakanta ka ano? Ako din eh. Sinong batang 90s ang di dumaan sa phenomenon ng boy band? Siguro di lahat pero majority one or more songs may alam tayong kanta ng boybend (para may accent). Nagustuhan ko ang boybend , noong high-school ako dahil trip na trip ni crush. Wala pang internet noon pero sa di malamang kadahilanan, updated ang mga teenager sa mga bagong kanta, bagong album, bagong boybend, bagong magazine, bagong post-thur(emphasizing the "th") at kung anu-anong bagong shumalam. Noong di pa tayo ini-invade ng internet (naks, big words invade), umaasa lang tayo sa mtv, channel v, radyo at sa tententenenen...song hits!

-Mga kantang akala sound like-
"Cry" by Mandy Moore: "A walk to remember... it was late afternoon!"
(Classic...)
"Nothing's gonna change my love for you... you know NAMAN MY LOVE how much I love you..."
"Greatest Love Of All" by Whitney Houston: "I decided long ago, never to walk with Edu Manzano..."
(Excuse me, pero bastos ang next na kanta..)
"HEAVEN KNOWS" by Rick Price: Why I live in despair... coz wide awake or dreaming I know she's never there... And all the time i masturbate I'm shaking inside, why does it hurt me so?

Ang guilty sa pagbili ng mga song hits nung high school, eh yung mga girls na fan na fan ng boybend. Pero kahit may songhits na, mali mali pa rin ang lyrics. Feeling ko dito nag-manifest yung pag-imbento ko ng mga shumalo at praktong language. Basta di alam ang kanta, shumarlom or shumala basta ipapalit mo sa lyrics na di mo alam. Ako lang ba o marami sa atin na iniiba ang lyrics pag-hindi alam o minsan ang akala natin yun ang tamang lyrics. Ganun pa man, mapatama o mali, nag-enjoy ka naman kantahin diba? Kaya dapat, tawa lang. Di naman bawal magkamali diba? Life's too short to take it seriously, dapat relak. Smile. Ayan, smile pa ulet. Isa pa. at isa pa. Ayan. Di ba nakakagaan ng feeling?

Speaking of feelings, ewan ko lang sa inyo pero sa buhay high-school ko na-enjoy ang...hmmm..*buntong hininga* *sigh*...CRUSH. Sino ba sa atin ang di nagkaroon ng crush noong high-school? Kung isa ka sa mga taong walang naging crush noong high-school, congrats! Kasi ayon sa research ang mga taong hindi nagkaroon ng crush noong high-school ay masasabing may mataas ng emotional IQ. Ang mga taong eto ay nagtataglay ng kakaibang kaisipan at talino na nagreresulta sa pagkakaroon ng mataas na chance na maging successful sa buhay. Ang galing! Na-imbento ko yun! Di naman nasusukat na kawalan ng crush noong high-school ang pagiging successful. Nasusukat yun sa sipag, tiyaga at......open minded. Open minded ka ba? Kailangan open-minded ka para open to all options and opportunity. Nakham!

(To all the girls I love before..Who traveled in and out my door..)
Sa 4 na taon ko sa high school di ko na mabilang kung ilan ang naging crush ko. Sa dami nila, feeling ko sila ang may crush sa akin, adik no? Hindi. Nagkataon lang ako nagsulat kaya wala kang magagawa. Di ko makaka-limutan yung naging...(disclaimer: bebe, matagal ng tapos to ah baka mamaya magselos ka. alam mo naman na only you. Naks!)..naging crush ko noong first year. First crush ko ay si Jeremy(babae to ha?) at Roxane Robles, ayos dalawa kaagad. Oo sabay yun na first crush...este crushes. Pag-absent si Jeremy si Roxane naman ang crush ko or vise-versa. Pero pag-andun sila pareho, pareho silang crush ko, galing no? Pero matagal na yun, past is past.

Eto ang di mawawala sa past mo na hanggang present kasama mo pa rin. Sila ang isa sa mga dahilan kung bakit na-enjoy mo ang high-school. Ang mga tropa, kaibigan, friends, best-friends o barkada. Marahil yung iba sa atin nabuhay ng walang kaibigan pero ako hindi. Sila yung nalalapitan ko noong high-school kapag wala akong baon dahil nabasag ko yung pinggan na hinuhugasan ko. Tumutulong sa akin kapag meron akong hindi maintindihan sa subjects. Nag-aabot ng in-haler ko kapag inaatake ako ng hika at naiwan ko sa bag yung gamot. Ang kakulitan ko kapag wala ang Adviser namin. Ang kakwentuhan kung sino yung mga crush namin at kung sino ang nakapink na panty. Ang naiiyakan ko dahil nahihirapan ako sa life ko sa bahay (naks drama!). Ang sinisi ko noon kung bakit nagastos ko ang pang-graduation fee ko (pare hanggang ngayon di ko nakakalimutan). Ang dahilan kung bakit okay lang na may bf na si crush, atleast bf pa rin tayo forever (bestfriend). Ang nagbigay kulay ng aking mundo noong ako'y nasa high-school pa lang. Sa mga naging tropa ko, salamat! At sinamahan nyo akong lumuhod dahil nahuli kaming nag-kacounter na malapit sa school. Sila ang unang nagsabi sa akin ng sa hirap at ginhawa. Naalala mo pa ba yung mga tropa mo noong high-school? Kung friend mo pa rin sila hanggang ngayon, pwede mo silang pasalamatan at naging part sila ng buhay natin. Teka tama na! Naiiyak na ako, hindi maari! Marupok lang ako! Ohmergerd. LOL.

What Year: 1st Year
Situation: 3rd Grading Exam
Highlights: Boso (Accidentally)
Who: Shumalalyn

Sa mga taga LICS, ang dami ng ginawa ng school na to na ways para lang di makapag-kopyahan ang mga estudyante. Nung 3rd grading exam, may ginawa silang salitan na magkatalikod tapos yung isa magkaharap. Di pa ako makulet ng mga panahon na to, actually good boy ako noon. Di ako nagpapakopya at nangongopya. To make the story short.

(pabulong kaming nag-uusap)
Shumala : oi ano sagot sa number 1? (di ko makakalimutan to dahil umpisa pa lang nangongopya na)
Ako: Huh? Di kita marinig. Baka mahuli tayo.
Shumala: sige na. pakopya, di ako nakapag-review.
Ako: (inignore ko lang).
Maya-maya dahil siguro wala syang magawa at di talaga nakapag-review. Nagkokoyakoy na si ate. Ako busy sa pag-sagot, dahil favorite ko yung subject natapos ko kaagad yung exam. Nang biglang.........
....pramis! Di ko sinasadya!!!!!! Napatingin ako sa baba. *background music maselang bahaghari by eheads*. Nakita ko ang hindi ko dapat makita! Si kimberly nakita ko! Kung fan ka ng power ranger alam mo kung anong ibig kong sabihin sa nakita ko. *Explanation: way back, di ka basta basta makakita ng mga ganoong scenario dahil noong panahon ko, conservative mga babae at ang makakita ng ganoon eh parang holy grail. Pero xempre exag lang yun.
Shumala (nahuli akong nakatingin sa ibaba nya): Pakopya?
(dahil nahuli ako, wala na. GG).
Ako: akin na papel mo, palet tayo. Ako na sasagot ng test paper mo.

End.

Thursday, October 8, 2015

Episode 7

Childhood Shumalam.

Kanina may bumati sa akin sa elevator na sinasabi nyang, "inaabangan ko yung mga blog mo". Wow tumaba yung puso ko sa narinig ko dahil ibig sabihin may napapasaya or napapatawa ako sa mga kalokohang nagagawa ko. Mas na-inspire tuloy ako magsulat ng mga kwentong barbero. Naalala nyo nung kabataan kayo na kapag maingay or sinasaway tayo nga mga magulang natin or tiyo/tita (naks or talaga, pwede namang "o") kung anu-anong kasabihan yung sinasabi nila para masaway tayo. Halos lahat sa atin naka-experience nun, ewan ko lang sa mga hmm..paano ko ba sasabihin ng hindi na-ooffend yun mga na-unang generation sa mga batang 90s o pinanganak nung 80s, pero nagdaan tayo dun. Eto yung mga kasabihan na akala ko totoo pero nung nagkaisip at lumaki, natatawa ka na lang dahil itatanong mo sa sarili mo "naniwala ka dun?".

Pag-panget nung bata la-laking maganda o pogi (vise versa) - umasa ako sa kasabihang eto, akala ko talaga la-laki akong pogi! Biruin mo yun, bata ka pa lang nangangarap ka ng maging artista dahil akala mo paglaki mo pogi ka? Yung frustration na lang akala ko makakapasok ako sa starstruck kaso...kaso... naging kamukha ko lang si Ranier Castillo (LOL!). May hawig lang pala, pero seriously naniwala ako dito...pero totoo din naman pala tong kasabihan na to, kasi lagi akong sinasabihan ng bunso ko "daddy ang pogi mo" oh yeah, anak nga kita. Huwag na kayong kumontra, ako nagsulat eh.

Pagnatulog ka ng basa ang buhok, mabubulag ka - Naniwala ako dito sa kasabihan na to hanggang grade 3. Kaso isang araw, pinagsabihan ako ng nanay ko na di ka matutulog hanggat di ka naliligo...
*explanation* noong araw kasi may sa lahing kambing ako, ayaw ko ng naliligo pag-walang pasok. Bakit ba eh sa malamig yung tubig namin. Pero nagsi-sisi ako ngayon, kasi feeling ko eto yung reason kung ano kulay ko ngayon. Kulang sa hilod). 
...so naligo ako kaso sa sobrang antok ko, nakatulog kaagad ako ng di pa tuyo ang buhok. Pagkagising ko, wow! di ako bulag! Himala! Pero syempre di ko naman talaga sinabi yun dahil di pa ako makulet nun. Kaya dun ko nalaman na di totoo ang kasabihan na yun.

Kapag nasugatan ka sa mahal na araw, di na gagaling o matagal gumaling - Naniwala ako dito pero walang bearing sa akin dahil kapag-bata ka, wala ka namang paki-alam kung masugatan ka o hindi.

Kapag nasugatan ka, may paring pugot na ulo o train na lalabas sa sugat mo - Kahit mahapdi at masakit pag-nilalagyan ng alcohol, tinitiis ko dahil gusto kong gumagaling kaagad ang sugat ko.

Kapag umuulan para lumabas si haring araw, kailangan mo magdrawing ng araw tapos 7 lang yung sinag sa kalsada - Ginawa ko to dati, dahil gusto ko makalaro yung crush ko noong kabataan (disclaimer: bebe wala na yun, baka mabasa mo ulet). Tuwing umuulan, ginagawa ko yung magdrawing kaso nung lumipat na yung crush ko, este dating crush ko, di ko na ginawa dahil wala naman reason para lumabas. Landi! 

Matulog sa hapon para tumangkad - Dahil gusto kong maging basketball player noon, natutulog ako sa hapon para tumangkad kaso may mga pangarap na hanggang pangarap na lang, tulad ng pag-aartista, pangarap na lang din ang pagbabasket-ball.

Kapag malinis ang kamay mo, mas masarap pangkamot ng pwet - Eto yung tinatanong ng erpat ko "Miguel, malinis ba kamay mo?", ako: "opo", erpat: "kamutin mo pwet ko". Pero sa totoo embento ko lang na masarap pangkamot ng pwet ang malinis na kamay dahil wala naman talagang kasabihan na ganun. So clean, so good. *Apir*

Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin eto - Oh diba napakanta ka? Di ko alam kung sino naka-imbento ng mga ganitong kasabihan pero naging-epektib ang iba sa mga to para pag-isipin tayong mga bata. Nakalimutan ko na yung iba, ayaw na gumana ng isip ko dahil mag-9 na, may pasok pa bukas. Sa mga papasok pa lang, ingat kayo. Sa mga papauwi, ingat din kayo. Sa mga taga Ingram, bukas naka-ngiti na naman tayo. Orayt! Hit like if you understand wat i men. LOL.

Tuesday, October 6, 2015

Episode 6

Freebies.

Kanina sa mcdo habang nakapila, nag-iisip ako kung anong o-orderin ko. Eto yung pinaka-challenging gawin tuwing breakfast, ang mag-isip kung anong o-orderin. Sa sobrang tagal kong mag-isip, nakita ko yung toy na kasama ng happy meal, huwaw Hotel Transylvania2. Dahil sa free toy napa-isip ako, kelan ba nag-umpisa yung happy meal o freebies sa mga meal? Biglang nag-flashback sa akin yung freebies noong 90s. Naalala nyo noon na kasikatan ng mga freebies sa iba-ibang klaseng bilihin na kung pwede lang isang bagsakan na bilhin at kung tayong mga bata lang ang masusunod, gusto natin bilhin lahat para cool..or kung di cool para masaya or kung di masaya....eh di.....eh di manzano? Isa din ba kayo na tulad kong nag-enjoy noon sa mga collectible items na makukuha sa mga daily needs natin (kunwari needs). Eto yung mangilan-ngilang natatandaan ko at kinolekta din noong 90s.

Coca Cola Pog - sinong di makaka-alala sa POG na sikat na sikat noong 90s. Di ko matandaan kung gaano karami yung pog na nakolekta ko pero kung tantyahan, siguro mga wantawsan milyon. Sinong bata ang di natuwa o naglaro noong panahon na pwede mong e-trade sa suking tindahan gamit lamang ang...tentenen ....tansan. Sa mga taong nangolekta at naglaro ng mga to anong pinakafavorite nyo na design? Kasi ako di ko na matandaan, ang alam ko gusto ko yung slamer! Mahirap makakuha neto kasi sa lugar namin, ang meron lang eh yung mga anak ng mga tendero o may mga kakilalang nagtratrabaho sa coca-cola. Pero kahit na ganun, nag-enjoy pa rin akong kolektahin at laruin ang POG. Di ko na matandaan kung saan napunta yung collection ko na to pero sigurado akong isa sa mga sahog yun ng mga inulam namin noong araw. Lagi kasing sinasabi ng tita ko noon "ilalaga ko yang mga pog mo!".

Coca Cola Cards - Kung di ako nagkakamali, nauna ang collectible cards bago ang POG. Nangolekta din ako neto pero di ko masyadong napagtuunan ng pansin dahil walang sparks, walang kislap. Sa lugar namin, mangilan-ngilan lang ang tumutok sa collection na to. 

Coca Cola Vintage Cars - Eto yung gustong-gusto ko na magkaroon noon kaso mahirap makakuha noon dahil ang reason sa akin ng pinsan ko, hino-hoard ng mga nagdedeliver ng coke sa amin. Di ko alam kong totoo o kung totoo.

Coca Cola Yoyo - Nagkaroon ako neto galing sa pinsan ko.Yung iba ayos, yung iba basag pero ang sarap tignan na may iba't-ibang kulay ng yoyo. Medyo di ako sigurado kung freebies to o binibili.

Colgate Robot - Eto yung mga letters na nagiging robot o vise-versa. Nag-enjoy ako sa laruan na'to. Dinadala ko tuwing nagsisipilyo ako. Di ko makakalimutan yung amoy ng laruan na to hanggang ngayon, actually inaamoy ko ngayon yung toothpaste namin na colgate kaya ko naalala. Hmmm..mint! How I wish na naitago ko ang laruan na to, dahil eto yung isa sa mga favorite kong laruan noong 90s.

Nido Story Booklet - Bigla kong naalala yung tita ko na binabasa sa akin yung story booklet bago matulog. Short story lang na may kapupulutan ng araw. Nakumpleto ko to at ang pinaka-favorite ko yung "The 5 Chinese Brothers". Ahhh..the memories. 

Milo Basketball Action Figure Sharpener - Ang haba ng title. Mga action figure ng sikat na basketbolista ng 90s. Meron akong isa yung color green. Dinala ko sa school para ipagyabang kaso wala na akong dala pag-uwi dahil di ko alam kung sino ang huling humiram.

Ovaltine o Milo Spaceship - Di ako sure kung Milo or Ovaltine pero feeling ko ovaltine yun. Maliliit na uri ng spaceship. Wala akong makuhang piktyur sa google pero alam ko meron nun, gawa pa sa plastic tapos thumbsize.

Maggi Lion King Sticker - Di ako ang nagko-collect kundi yung pinsan ko. Ang naging reason kung bakit gusto nyang ulam ay Maggi noodles..nay may itlog.


Purefoods Space Jam Action Figure - Di ko nakuha yung action figure sa purefoods hotdog na binili ni inay, kundi sa labas ng school namin. Meron nagbebenta ng mga Space Jam action figure sa murang halaga, P10/5 ata yun.


Titserya Random items - Kung anu-anong laruan meron ang mga titserya noong 90s. Meron akong natatandaan na junk food na merong ninja-turtle. Meron namang plastic coin, may singsing at kung anu-ano pa.

Marami-rami pang mga freebies noong 90s na makukuha mo sa iba't-ibang produkto na mabibili sa supermarket or kahit sa tindahan lang. Mga simpleng laruan na nagdagdag kulay sa ating pang-araw araw na adventure sa kalsada, school o sa bahay. Ikaw, anong nakolekta mo noon? Naitago mo pa ba?

McDonald Crew: Ay sir, dalawang counter lang po yung gumagana. Etong pila na to para lang po sa mga naka-order na.

Note to self: Next time magtanong kung nasa tamang pila bago pumila. LEL.

Monday, October 5, 2015

Episode 5

Palibhasa Lalake.

Lingon lahat pag may babaeng dumaan, lalo na't magaganda ang katawan at tsaka...Natatandaan nyo ang kantang to? Eto ang theme song ng unang sitcom na pinanood ko noong kabataan. Isa sa pinakasikat noong 90s. Dito ko nakita yung mga damoves ng mga cast na hanggang ngayon nakikita ko sa ibang sitcom. Sinubukan kong mag-youtube para manood ng mga series nila pero nabigo ako dahil wala akong nakitang full-episode o marahil nganga lang ako maghanap sa youtube. Sa kakahanap ng episodes, dito ko lang nalaman na merong channel sa cable na mapapanood mo yung mga lumang sitcom/shows ng ABS - Jeepney TV. Kaso wala kaming cable, aguy! Pero mabalik ako sa Palibhasa Lalake, sinong nakaka-alala na lumabas si Rene Requiestas sa show na to? Di ko na naubatan yun pero siguradong epic yung episodes na yun dahil ang papel nya pala dun ay henyong kapatid ni Minerva kaso walang sumeseryoso sa kanya (nakapanood ako ng mga pelikula ni Rene na kapag nag-eenglish sya napaka-deep). Eto yung mga part ng sitcom na di ko makakalimutan sa Palibhasa Lalake.

3rd Hand/Arm - Yung mga moves na lalapit si Joey sa camera tapos hihimasin nya yung baba nya. Kaso pag-layo nya nakapa-mewang si Joey. Minsan sinasampal sya ng kampay.

Kwentong Barbero - Mga moments na kung saan meron magkwe-kwento, lahat makikinig. Meron pang magtatanong tapos napaka-interesante ng kwento with matching action pa. Hindi pa tapos yung kwento matatawa ka na kasi alam mo may punchline. Dito ko unang narinig yung payabangan na kwentong "wala ka sa lolo ko".

Tirahan Portion - Eto yung moments na kung saan yung mga cast mag-aadlib yung isa sa mga cast tapos eli-link nila sa totoong buhay nung cast na titirahin.

Waterwetter - Part ng show kung saan merong magtatapon ng tubig sa ibang cast at kung minsan may softdrinks pa. Hahaha

Special Guests - Mga sikat na panauhin na nagda-dagdag kulay sa mga episodes.

Maraming sumunod na mga sitcom tulad ng sa Palibhasa lalake pero iba pa rin ang original. Kayo anong natatandaan nyo sa show na to?

Friday, October 2, 2015

Episode 4

Commercial.

Kanina pa ako nag-iisip kung anong pwedeng isulat. Kahapon absent ako sa blog at the same time may downtime sa kwentokahaha department. Gusto kong sisihin yung tv namin na nasira na inabot ako ng ilang oras para maghanap ng solusyon na sa bandang huli, wala pa rin. Mahirap mag-isip ng kwento lalo na kung ang utak mo ay nahahati ang atensyon sa maraming bagay.Mga tipong very important matters na di mo pwedeng balewalain dahil life threatening kapag pinabayaan mo tulad ng pag-COC, pagbasa ng mga comments sa post na ginawa mo, pagstalk sa crush mo (bebe katabi mo ako ha, wala akong binuview - wala akong crush ikaw lang) at ang kadalasang ginagawa ng karamihan sa atin...pangungulangot habang nagba-braws sa news feed. Simulan ang pagsusulat...teka wala akong magandang maisip na topic. Gusto ko sanang maging topic ang aldub na halos araw-araw na lang eh may nakikita ako sa news feeds about them. Eto yung pinaka-hot na topic sa panahon ngayon, kaso sa sobrang hot na-umay ako tuwing nakaka-kita ako ng post regarding sa bangayan ng mga shows, napapasubo ako ng maxx menthol candy. Nalaala nyo yung commercial ng maxx na sinabi nila kung para saan ang mga different variety of maxx menthol candy, meron kasi dun na kontra umay.

Dahil dyan, king-mother ang haba ng introduction mapupunta lang din pala sa tv commercial noong 90s ang topic. Noon ang mga commercial may kantahan, katatawanan at kunting drama. Part na nating mga Pilipino ang hilig sa pagkanta, kaya kahit sa commercial pinapakita natin to. Ang pagkanta ay isa sa pinaka-habee ng lahat ng mga Pilipino. Ang pagpapatawa naman ay natural na sa atin. Kapag may problema ka? idadaan sa tawa. May sakit ka? patatawanin ka (sabi nga ng iba, laughter is the best medicine). Nalulungkot ka? manood ka ng nakakatawa, mababawasan ang pagkalungkot mo. Natatae ka? ay syempre ibang usapan yan, di pwedeng idaan sa tawa yan dahil kung itatawa mo yan alam na natin ang ending, kaya pagnajejebs ka e-tae mo na. Eto ang mga commercial na hindi ko makakalimutan noong aking kabataan. Tenenenenen...*flashback*. 

Lux Shampoo - Richard Gomez (ay pogi!) at si Lucy Torres, isipin mo sinong mag-aakala na sila'y magkakatuluyan sa totoong buhay? Di ko alam ang kwento nilang dalawa basta ang alam ko, akala ko dati na kapag ginamit mo yung lux eh magiging kasing ganda mo yung boses ng vocalist ng side A band. Kasi the entire commercial kumakanta ang side A. 

Jolibee - I love you sabado pati na rin linggo hintay ka lang Dyalibee andyan na ako, panlasang pilipino at home sa Dyalibee (sorry di ko mapigilan tapusin yung kanta). Noong bata ako, akala ko tuwing sabado at linggo magdyadyalibee kami dahil sa commercial lang pala. Pero okay lang, noong panahon ko ang sabado at linggo ang pinakamasayang araw noong-araw. Huwag mo rin kalimutan ang kanilang, "nawawala si Jennifer". Ramdam ko yung message ng commercial noon (di ako umiyak ha isipin nyo iyakin ako). 

Magnolia Ice Cream - Natatandaan nyo pa ba ang mga linyang "sinong best-friend mo doon, syempre ikaw lang. Nagamit sa mga ibang pelikula ni Michael V at naging litanya ng mga batang 90s sa kanilang mga kaibigan. Ang ice cream ang isa sa mga simpleng kasayahan naming magkakaibigan at kapatid noon. Isipin mo pag may ice cream, napapawow kami (hanggang ngayon, wow! ice cream, isa pa, wow ice cream, isa pa, wow ice cream, isa p..tama na nagmumukha na akong tanga).Pero seriously, hindi bat noong panahon natin napaka-simple lang ng kaligayahan natin. Ang flavor of the month na laging inaabangan namin noon, "it's now or never".

7UP (Fido Dido) - Punyeta. May pinsan akong napaka-henyo, sa sobrang henyo nauuto ako. Sabi nya kasi kapag mag-drawing daw ako ng Fido dido at iiwanan ko na may 7UP, mabubuhay daw. Eh syempre ikaw uto-uto pa ako nun (actually hanggang ngayon), pag may 7UP nagdradrawing ako ng FidoDido tapos iiwan ko sa lamesa na may 7UP. Pag balik ko blanko na papel na lang tapos wala na rin yung 7UP, magic! Ilang beses ko din ginagawa yun, nalaman ko lang na inuuto ako ng pinsan ko ng mahuli ko sya one time na ini-inom yung 7UP tapos may hawak na papel. Badtrip di ba?

San Miguel beer - Ang bigtaym ng mga commercial noon. Isipin nyo, ang mga cast ng mga commercial nila mga sikat na artista, kumanta ang APO, si idol FPJ, badboy Robin Padilla, Efren "bata" Reyes and many more. Di pa ako umiinom ng mga panahon na to pero nag-eenjoy ako sa mga jingle ng commercial nila "sabado nights, may gimmick, harurot sa wheels sabay sundo sa chick", after ilang years...ganon pa rin wala pa ring hilig sa beer.

Purefoods - Dear Diary, Carlo sat beside me today. he's sooo cute, sabi nya I'm pretty, kaya lang I'm fat. I eat too much kasi eh. Mula ngayon, goodbye chocolates, goodbye spaghetti, goodbye hotdogs....ayyyyy goodbye Carlo! Galing ko no? kabisado ko pa rin hanggang ngayon, xempre may google eh. Eto yung commercial kung saan lumabas si Carlo Aquino ng batang-X (sa mga kabataan ngayon, di porn yung pinag-uusapan namin ha?). Oh sa mga taong, kokontra kaagad, alam ko di si Carlo Aquino yun, tinetest ko lang kung alam mo talaga yung commercial. Si John Prats yun! John Prats ang kaibigan nya sa batang-x, si Patrick Garcia yung sa commercial. Nakita ko si Chantal Umali ngayon sa google, hotness!

Safeguard - "skin germ protection ng Safeguard" eto yung kadalasan sinasabi ng mga konsensya ng mga commercial model. Eto ang pinakamalupit na sabon, isipin nyo sa lahat ng commercial ng sabon, sila lang ang nakakapagpalabas ng konsensya, amaaazziing! Pero sa reality pag-ginamit mo yung sabon na to, may libreng sulatan ka sa braso mo. Sa sobrang dry ng skin, pwede kang magsulat. Ginagawa naming magpipinsan yung pagandahan ng drawing sa fore-arms.

Di ko alam kung sino naka-isip na gamitin ang kanta sa mga commercial pero naging way yun para tumatak sa mga isipan ng mga nanonood. Siguro dahil karamihan sa mga kanta catchy, mas catchy mas epektib. Ikaw anong favorite commercial mo noon?