Freebies.
Kanina sa mcdo habang nakapila, nag-iisip ako kung anong o-orderin ko. Eto yung pinaka-challenging gawin tuwing breakfast, ang mag-isip kung anong o-orderin. Sa sobrang tagal kong mag-isip, nakita ko yung toy na kasama ng happy meal, huwaw Hotel Transylvania2. Dahil sa free toy napa-isip ako, kelan ba nag-umpisa yung happy meal o freebies sa mga meal? Biglang nag-flashback sa akin yung freebies noong 90s. Naalala nyo noon na kasikatan ng mga freebies sa iba-ibang klaseng bilihin na kung pwede lang isang bagsakan na bilhin at kung tayong mga bata lang ang masusunod, gusto natin bilhin lahat para cool..or kung di cool para masaya or kung di masaya....eh di.....eh di manzano? Isa din ba kayo na tulad kong nag-enjoy noon sa mga collectible items na makukuha sa mga daily needs natin (kunwari needs). Eto yung mangilan-ngilang natatandaan ko at kinolekta din noong 90s.
Coca Cola Pog - sinong di makaka-alala sa POG na sikat na sikat noong 90s. Di ko matandaan kung gaano karami yung pog na nakolekta ko pero kung tantyahan, siguro mga wantawsan milyon. Sinong bata ang di natuwa o naglaro noong panahon na pwede mong e-trade sa suking tindahan gamit lamang ang...tentenen ....tansan. Sa mga taong nangolekta at naglaro ng mga to anong pinakafavorite nyo na design? Kasi ako di ko na matandaan, ang alam ko gusto ko yung slamer! Mahirap makakuha neto kasi sa lugar namin, ang meron lang eh yung mga anak ng mga tendero o may mga kakilalang nagtratrabaho sa coca-cola. Pero kahit na ganun, nag-enjoy pa rin akong kolektahin at laruin ang POG. Di ko na matandaan kung saan napunta yung collection ko na to pero sigurado akong isa sa mga sahog yun ng mga inulam namin noong araw. Lagi kasing sinasabi ng tita ko noon "ilalaga ko yang mga pog mo!".
Coca Cola Cards - Kung di ako nagkakamali, nauna ang collectible cards bago ang POG. Nangolekta din ako neto pero di ko masyadong napagtuunan ng pansin dahil walang sparks, walang kislap. Sa lugar namin, mangilan-ngilan lang ang tumutok sa collection na to.
Coca Cola Vintage Cars - Eto yung gustong-gusto ko na magkaroon noon kaso mahirap makakuha noon dahil ang reason sa akin ng pinsan ko, hino-hoard ng mga nagdedeliver ng coke sa amin. Di ko alam kong totoo o kung totoo.
Coca Cola Yoyo - Nagkaroon ako neto galing sa pinsan ko.Yung iba ayos, yung iba basag pero ang sarap tignan na may iba't-ibang kulay ng yoyo. Medyo di ako sigurado kung freebies to o binibili.
Colgate Robot - Eto yung mga letters na nagiging robot o vise-versa. Nag-enjoy ako sa laruan na'to. Dinadala ko tuwing nagsisipilyo ako. Di ko makakalimutan yung amoy ng laruan na to hanggang ngayon, actually inaamoy ko ngayon yung toothpaste namin na colgate kaya ko naalala. Hmmm..mint! How I wish na naitago ko ang laruan na to, dahil eto yung isa sa mga favorite kong laruan noong 90s.
Nido Story Booklet - Bigla kong naalala yung tita ko na binabasa sa akin yung story booklet bago matulog. Short story lang na may kapupulutan ng araw. Nakumpleto ko to at ang pinaka-favorite ko yung "The 5 Chinese Brothers". Ahhh..the memories.
Milo Basketball Action Figure Sharpener - Ang haba ng title. Mga action figure ng sikat na basketbolista ng 90s. Meron akong isa yung color green. Dinala ko sa school para ipagyabang kaso wala na akong dala pag-uwi dahil di ko alam kung sino ang huling humiram.
Ovaltine o Milo Spaceship - Di ako sure kung Milo or Ovaltine pero feeling ko ovaltine yun. Maliliit na uri ng spaceship. Wala akong makuhang piktyur sa google pero alam ko meron nun, gawa pa sa plastic tapos thumbsize.
Maggi Lion King Sticker - Di ako ang nagko-collect kundi yung pinsan ko. Ang naging reason kung bakit gusto nyang ulam ay Maggi noodles..nay may itlog.
Purefoods Space Jam Action Figure - Di ko nakuha yung action figure sa purefoods hotdog na binili ni inay, kundi sa labas ng school namin. Meron nagbebenta ng mga Space Jam action figure sa murang halaga, P10/5 ata yun.
Titserya Random items - Kung anu-anong laruan meron ang mga titserya noong 90s. Meron akong natatandaan na junk food na merong ninja-turtle. Meron namang plastic coin, may singsing at kung anu-ano pa.
Marami-rami pang mga freebies noong 90s na makukuha mo sa iba't-ibang produkto na mabibili sa supermarket or kahit sa tindahan lang. Mga simpleng laruan na nagdagdag kulay sa ating pang-araw araw na adventure sa kalsada, school o sa bahay. Ikaw, anong nakolekta mo noon? Naitago mo pa ba?
McDonald Crew: Ay sir, dalawang counter lang po yung gumagana. Etong pila na to para lang po sa mga naka-order na.
Note to self: Next time magtanong kung nasa tamang pila bago pumila. LEL.

No comments:
Post a Comment