Friday, October 2, 2015

Episode 4

Commercial.

Kanina pa ako nag-iisip kung anong pwedeng isulat. Kahapon absent ako sa blog at the same time may downtime sa kwentokahaha department. Gusto kong sisihin yung tv namin na nasira na inabot ako ng ilang oras para maghanap ng solusyon na sa bandang huli, wala pa rin. Mahirap mag-isip ng kwento lalo na kung ang utak mo ay nahahati ang atensyon sa maraming bagay.Mga tipong very important matters na di mo pwedeng balewalain dahil life threatening kapag pinabayaan mo tulad ng pag-COC, pagbasa ng mga comments sa post na ginawa mo, pagstalk sa crush mo (bebe katabi mo ako ha, wala akong binuview - wala akong crush ikaw lang) at ang kadalasang ginagawa ng karamihan sa atin...pangungulangot habang nagba-braws sa news feed. Simulan ang pagsusulat...teka wala akong magandang maisip na topic. Gusto ko sanang maging topic ang aldub na halos araw-araw na lang eh may nakikita ako sa news feeds about them. Eto yung pinaka-hot na topic sa panahon ngayon, kaso sa sobrang hot na-umay ako tuwing nakaka-kita ako ng post regarding sa bangayan ng mga shows, napapasubo ako ng maxx menthol candy. Nalaala nyo yung commercial ng maxx na sinabi nila kung para saan ang mga different variety of maxx menthol candy, meron kasi dun na kontra umay.

Dahil dyan, king-mother ang haba ng introduction mapupunta lang din pala sa tv commercial noong 90s ang topic. Noon ang mga commercial may kantahan, katatawanan at kunting drama. Part na nating mga Pilipino ang hilig sa pagkanta, kaya kahit sa commercial pinapakita natin to. Ang pagkanta ay isa sa pinaka-habee ng lahat ng mga Pilipino. Ang pagpapatawa naman ay natural na sa atin. Kapag may problema ka? idadaan sa tawa. May sakit ka? patatawanin ka (sabi nga ng iba, laughter is the best medicine). Nalulungkot ka? manood ka ng nakakatawa, mababawasan ang pagkalungkot mo. Natatae ka? ay syempre ibang usapan yan, di pwedeng idaan sa tawa yan dahil kung itatawa mo yan alam na natin ang ending, kaya pagnajejebs ka e-tae mo na. Eto ang mga commercial na hindi ko makakalimutan noong aking kabataan. Tenenenenen...*flashback*. 

Lux Shampoo - Richard Gomez (ay pogi!) at si Lucy Torres, isipin mo sinong mag-aakala na sila'y magkakatuluyan sa totoong buhay? Di ko alam ang kwento nilang dalawa basta ang alam ko, akala ko dati na kapag ginamit mo yung lux eh magiging kasing ganda mo yung boses ng vocalist ng side A band. Kasi the entire commercial kumakanta ang side A. 

Jolibee - I love you sabado pati na rin linggo hintay ka lang Dyalibee andyan na ako, panlasang pilipino at home sa Dyalibee (sorry di ko mapigilan tapusin yung kanta). Noong bata ako, akala ko tuwing sabado at linggo magdyadyalibee kami dahil sa commercial lang pala. Pero okay lang, noong panahon ko ang sabado at linggo ang pinakamasayang araw noong-araw. Huwag mo rin kalimutan ang kanilang, "nawawala si Jennifer". Ramdam ko yung message ng commercial noon (di ako umiyak ha isipin nyo iyakin ako). 

Magnolia Ice Cream - Natatandaan nyo pa ba ang mga linyang "sinong best-friend mo doon, syempre ikaw lang. Nagamit sa mga ibang pelikula ni Michael V at naging litanya ng mga batang 90s sa kanilang mga kaibigan. Ang ice cream ang isa sa mga simpleng kasayahan naming magkakaibigan at kapatid noon. Isipin mo pag may ice cream, napapawow kami (hanggang ngayon, wow! ice cream, isa pa, wow ice cream, isa pa, wow ice cream, isa p..tama na nagmumukha na akong tanga).Pero seriously, hindi bat noong panahon natin napaka-simple lang ng kaligayahan natin. Ang flavor of the month na laging inaabangan namin noon, "it's now or never".

7UP (Fido Dido) - Punyeta. May pinsan akong napaka-henyo, sa sobrang henyo nauuto ako. Sabi nya kasi kapag mag-drawing daw ako ng Fido dido at iiwanan ko na may 7UP, mabubuhay daw. Eh syempre ikaw uto-uto pa ako nun (actually hanggang ngayon), pag may 7UP nagdradrawing ako ng FidoDido tapos iiwan ko sa lamesa na may 7UP. Pag balik ko blanko na papel na lang tapos wala na rin yung 7UP, magic! Ilang beses ko din ginagawa yun, nalaman ko lang na inuuto ako ng pinsan ko ng mahuli ko sya one time na ini-inom yung 7UP tapos may hawak na papel. Badtrip di ba?

San Miguel beer - Ang bigtaym ng mga commercial noon. Isipin nyo, ang mga cast ng mga commercial nila mga sikat na artista, kumanta ang APO, si idol FPJ, badboy Robin Padilla, Efren "bata" Reyes and many more. Di pa ako umiinom ng mga panahon na to pero nag-eenjoy ako sa mga jingle ng commercial nila "sabado nights, may gimmick, harurot sa wheels sabay sundo sa chick", after ilang years...ganon pa rin wala pa ring hilig sa beer.

Purefoods - Dear Diary, Carlo sat beside me today. he's sooo cute, sabi nya I'm pretty, kaya lang I'm fat. I eat too much kasi eh. Mula ngayon, goodbye chocolates, goodbye spaghetti, goodbye hotdogs....ayyyyy goodbye Carlo! Galing ko no? kabisado ko pa rin hanggang ngayon, xempre may google eh. Eto yung commercial kung saan lumabas si Carlo Aquino ng batang-X (sa mga kabataan ngayon, di porn yung pinag-uusapan namin ha?). Oh sa mga taong, kokontra kaagad, alam ko di si Carlo Aquino yun, tinetest ko lang kung alam mo talaga yung commercial. Si John Prats yun! John Prats ang kaibigan nya sa batang-x, si Patrick Garcia yung sa commercial. Nakita ko si Chantal Umali ngayon sa google, hotness!

Safeguard - "skin germ protection ng Safeguard" eto yung kadalasan sinasabi ng mga konsensya ng mga commercial model. Eto ang pinakamalupit na sabon, isipin nyo sa lahat ng commercial ng sabon, sila lang ang nakakapagpalabas ng konsensya, amaaazziing! Pero sa reality pag-ginamit mo yung sabon na to, may libreng sulatan ka sa braso mo. Sa sobrang dry ng skin, pwede kang magsulat. Ginagawa naming magpipinsan yung pagandahan ng drawing sa fore-arms.

Di ko alam kung sino naka-isip na gamitin ang kanta sa mga commercial pero naging way yun para tumatak sa mga isipan ng mga nanonood. Siguro dahil karamihan sa mga kanta catchy, mas catchy mas epektib. Ikaw anong favorite commercial mo noon?

No comments:

Post a Comment