Childhood Shumalam.
Kanina may bumati sa akin sa elevator na sinasabi nyang, "inaabangan ko yung mga blog mo". Wow tumaba yung puso ko sa narinig ko dahil ibig sabihin may napapasaya or napapatawa ako sa mga kalokohang nagagawa ko. Mas na-inspire tuloy ako magsulat ng mga kwentong barbero. Naalala nyo nung kabataan kayo na kapag maingay or sinasaway tayo nga mga magulang natin or tiyo/tita (naks or talaga, pwede namang "o") kung anu-anong kasabihan yung sinasabi nila para masaway tayo. Halos lahat sa atin naka-experience nun, ewan ko lang sa mga hmm..paano ko ba sasabihin ng hindi na-ooffend yun mga na-unang generation sa mga batang 90s o pinanganak nung 80s, pero nagdaan tayo dun. Eto yung mga kasabihan na akala ko totoo pero nung nagkaisip at lumaki, natatawa ka na lang dahil itatanong mo sa sarili mo "naniwala ka dun?".
Pag-panget nung bata la-laking maganda o pogi (vise versa) - umasa ako sa kasabihang eto, akala ko talaga la-laki akong pogi! Biruin mo yun, bata ka pa lang nangangarap ka ng maging artista dahil akala mo paglaki mo pogi ka? Yung frustration na lang akala ko makakapasok ako sa starstruck kaso...kaso... naging kamukha ko lang si Ranier Castillo (LOL!). May hawig lang pala, pero seriously naniwala ako dito...pero totoo din naman pala tong kasabihan na to, kasi lagi akong sinasabihan ng bunso ko "daddy ang pogi mo" oh yeah, anak nga kita. Huwag na kayong kumontra, ako nagsulat eh.
Pagnatulog ka ng basa ang buhok, mabubulag ka - Naniwala ako dito sa kasabihan na to hanggang grade 3. Kaso isang araw, pinagsabihan ako ng nanay ko na di ka matutulog hanggat di ka naliligo...
*explanation* noong araw kasi may sa lahing kambing ako, ayaw ko ng naliligo pag-walang pasok. Bakit ba eh sa malamig yung tubig namin. Pero nagsi-sisi ako ngayon, kasi feeling ko eto yung reason kung ano kulay ko ngayon. Kulang sa hilod).
...so naligo ako kaso sa sobrang antok ko, nakatulog kaagad ako ng di pa tuyo ang buhok. Pagkagising ko, wow! di ako bulag! Himala! Pero syempre di ko naman talaga sinabi yun dahil di pa ako makulet nun. Kaya dun ko nalaman na di totoo ang kasabihan na yun.
Kapag nasugatan ka sa mahal na araw, di na gagaling o matagal gumaling - Naniwala ako dito pero walang bearing sa akin dahil kapag-bata ka, wala ka namang paki-alam kung masugatan ka o hindi.
Kapag nasugatan ka, may paring pugot na ulo o train na lalabas sa sugat mo - Kahit mahapdi at masakit pag-nilalagyan ng alcohol, tinitiis ko dahil gusto kong gumagaling kaagad ang sugat ko.
Kapag umuulan para lumabas si haring araw, kailangan mo magdrawing ng araw tapos 7 lang yung sinag sa kalsada - Ginawa ko to dati, dahil gusto ko makalaro yung crush ko noong kabataan (disclaimer: bebe wala na yun, baka mabasa mo ulet). Tuwing umuulan, ginagawa ko yung magdrawing kaso nung lumipat na yung crush ko, este dating crush ko, di ko na ginawa dahil wala naman reason para lumabas. Landi!
Matulog sa hapon para tumangkad - Dahil gusto kong maging basketball player noon, natutulog ako sa hapon para tumangkad kaso may mga pangarap na hanggang pangarap na lang, tulad ng pag-aartista, pangarap na lang din ang pagbabasket-ball.
Kapag malinis ang kamay mo, mas masarap pangkamot ng pwet - Eto yung tinatanong ng erpat ko "Miguel, malinis ba kamay mo?", ako: "opo", erpat: "kamutin mo pwet ko". Pero sa totoo embento ko lang na masarap pangkamot ng pwet ang malinis na kamay dahil wala naman talagang kasabihan na ganun. So clean, so good. *Apir*
Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin eto - Oh diba napakanta ka? Di ko alam kung sino naka-imbento ng mga ganitong kasabihan pero naging-epektib ang iba sa mga to para pag-isipin tayong mga bata. Nakalimutan ko na yung iba, ayaw na gumana ng isip ko dahil mag-9 na, may pasok pa bukas. Sa mga papasok pa lang, ingat kayo. Sa mga papauwi, ingat din kayo. Sa mga taga Ingram, bukas naka-ngiti na naman tayo. Orayt! Hit like if you understand wat i men. LOL.
No comments:
Post a Comment