Wednesday, September 30, 2015

Episode 3

First Call Center Interview

Kanina, narealize ko na matagal na rin pala ako sa kompanyang pinatratrabahuhan ko. Eight years na ako sa minamahal kong kompanya. Biglang nagbalik tanaw ako, paano ba ako nagpunta sa kompanyang eto at bakit hanggang ngayon andito pa rin ako. Tayo'y magbalik tanaw sa aking buhay nung ako'y nag-uumpisa pa lang mag-apply.

Target company: E-Telecare
Year: 2006
Location: Ortigas-Cainta
Experience level: Bota

The Night Before
May nabasa akong article na sa isang magazine na mas magiging confident ka daw kapag prinaktis mo yung interview at the same time handa ka na sa mga questions na ibabato ng interviewer. Naisip ko, madali lang parang exam nung highschool at college. Kailangan ko lang magreview. Nag-internet ako tapos nag-search ng common questions in an interview (galing ko no? naisip ko yun, handang handa para sa kinabukasan). Ang prinaktis ko na question "tell me about yourself?", "why we should hire you?" and "what are your weaknesses?". Sa totoo lang madali lang yung dalawang nauna, ang nahirapan akong mag-isip sa what are your weaknesses? Kabobohan ko, naginternet na ako di ko pa hinanap yung best answer. Ang ending, puyat kakaisip ng sagot. 

Kinabukasan.
Receptionist: Please stand up the person that I will call
Ako(sinasabi sa sarili): sana tawagin ako! ako! Ako! at isa pang ako!
Receptionist: Michael Paulo Sow-Sowque?
Ako: Yes mam! It's Michael Pawlo Sowke.
Tumayo pa ako kagaad. Proud ako, nakaformal ako eh, pang corporate attire from my dad (naks!). Pero saka ko na realize, teka bakit ako lang tinawag? Nakangiti pa ako, kasi isipin mo yun ako lang nakapasa. Paglapit ko pumunta kami banda sa gilid. Nakangiti pa sa akin si Miss Beautipul Receptionist (P.S. Bebe mas maganda ka pa rin para sa akin. Baka kasi mabasa mo to atleast alam mo.)
Receptionist: Hi Michael. We are very pleased that you applied for the TSR post but we're sorry to inform you that you didn't pass the interview.
Ako: Whaaaaaaat! What! What is the meaningful of this?! This is not unacceptable! Are you very very surely? 

Naks English! King mother! Ganun ako mag-english tapos magtataka ako bakit bagsak? Pero yung mga english na yun, sa sarili ko lang nasabi. Dahil una, di naman ako ganun at pangalawa di ako ganun. Natanong ko lang sa sarili ko Oh My goodness! Where is I failed?

Initial Interview:
Recruiter: When I call your name please stand up. Michael Paulo Sowcute(sorry ganun talaga pagkakarinig ko walang biro, pramis), Peter North, Hugh Jackman and Megan Fox (Pasenxa na di ko matandaan yung mga pangalan nila eh, that was 7 years ago).

Sunod kaming lahat. Ang nangyari pinaalis si Hugh Jackman dahil exam na pala sya. Pinapasok kami sa maliit na room na sobrang lamig. Eto yung pinagtataka ko, sa interview sobrang lamig ng area. Di ko alam kung sinasadya nila un para lalong kabahan o talagang sinsadya nila yun para kabahan. Eksakto wala akong dyaket, di ko naman alam na ganun set-up sa call center. Nung una di ko pa alam ang tawag sa ganun, yun pala panel interview ang mangyayari para mas mabilis matapos at ma-filter nila kung sino yung mga dapat makapunta sa second process.

Recruiter: Hi, I'm Scarlett Johansen. I'm going to conduct your initial interview. Tell me something that is not written in your resume and why do you want to work in a callcenter. 
Nung marinig ko yun, tell me something that is not written in your resume, parang umakyat yung balls ko sa leeg ko at lalong lumamig yung paligid. Owly syet, di eto yung prinaktis ko. Tumingin sa mga resume. (Nung mga time na yun nasa 3rd sorrowful mystery na ata ako, sa sobrang kaba ko nagfastforward yung time and nakapagdasal ako ng Rosary, not sure kung joke o hindi pero parang hindi). Tinawag si Edward Norton. Let's start with you Edward Norton.

Edward Norton: Gonna marry your daughter even your son. I want her to be the only girl that I love for the rest of my life. And give her the best of me 'till the day that I die, yeah I'm gonna marry your princess even your queen..
(Sorry di ko matandaan yung sinabi ni Edward Norton basta ang alam ko taga ateneo sya).

To make the story shorter and a little longer. Eto yung mga sagot ko.
Q: Tell me something that is not written in your resume.
A: Hmm..ahhh..hmmm..I'm undergrad, I like to collect fhm magazines of my dad, I like to watch dvd movies and I ahhmm..errr..that's all. (Di ko na matandaan yung iba kong sinabi but pretty much these are the highlights of my answers)

Q: What's your favorite perfume?
A: I don't perfume. (Paksyet! Hanggang ngayon natatawa ako sa sagot ko na to. Sorry na, wala pa naman akong training sa NHFT that time and ang exposure ko lang sa english eh Epol Apple.

Q: Taking calls is a very stressful job, plus the quotas that needs to be targeted. So how do you handle stress?
A: I took stress-tabs. (Another pakxet! Sino naman mag-eexpect ng ganitong tanong sa unang intervew. Kung ikaw ine-expect mo, eh di wow).

Eto yung highlight ng interview
Recruiter: Are you willing to work in a graveyard shift and would there be any problems working on a holiday?
Tinawag si Megan Fox. Nagmamasteral pala si ate kaya okay na graveyard sya dahil pabor sa schedule nya sa school.
Alam nyo kung ano sagot ko? Isang napaka confident na sagot...


..."me too, me too" with matching smile. Tae dba.
Recruiter: Seeing that you guys doesn't have any work experiences, how much is your expected salary?
Megan Fox (ulet): My friends told me that call center agents without experience starting salary is P15k, so I'm expecting to get the same salary.
Recruiter: Well, we can work on that. How bout you Michael?
Ako? "me too, me too". 

End.

PS. 9 years na ang lumipas, hindi 7. Ngiyahahaha.



Tuesday, September 29, 2015

Episode 2

E-Jeep-tians:
Ilang years na rin akong sumasakay ng jeep, kung 24 ako ngayon siguro mga 25 years. Nasubukan nyo na bang sumakay kayo sa jeep na halos puno na tapos nung may makita kang space na sa tingin mo eh pwede nang magkasya yung dalawang pwet mo, kaya dun ka pupunta. Ang badtrip na part, alam na nga na uupo ka di pa rin aayos yung taong andun tapos parang di ka nag-eexist sa harap nya. Ayaw mag give way. Pag ganun, upuan mo yung hita nya, mapababae o lalaki para malaman nya na may taong uupo. 100% sure na epektib yun at di pumapalya. Nasubukan ko na? Hindi pa, yun kasi ginawa sa akin nung manong kanina kaya napagalaw ako, very epektib. Speaking of upo, meron akong nakasakay kanina na akala mo pinagyayabang nya yung brief nya na wala namang garter, kailangan ba pagnakaupo nakatalikod sayo akala mo nasa sofa amff. Ano ngayon kung hanes yan, kung yung garter parang bacon. Meron ding akala mo sobrang laki ng kargada, kung makabukaka eh kulang na lang sabihin nyang akin tong upuan na to. Gusto ko pa sanang ekwento ang adbentyur ko sa jeep kaso baka masayang ko na naman ang oras mo. Kaya next time na lang ulet.
Eto ang mga ibat ibang klase ng pasahero na ma-eencounter nyo sa jeep:
The Spotter - Eto yung mga lalaking pag katabi ay babaeng naka-blouse at may pagkakataon na masisilipan si gurl, siguardong hindi palalampasin. Kahit nababali na ang leeg kakasilip gagawin at gawin ang kagustuhan na makapanilip. Pag may nakita kayong ganito, huwag kayong matakot na pansinin tapos piktyuran or videohan para matuto. Huwag mag-alala di ka nila gagalawin dahil yang mga yan, takot silang mahuli. Bakit ko alam? retired member ako (LOL).
The Artistic - Eto yung mga pasaherong maarte. Maraming klase ng maarte sa jeep. Maarte na feeling maganda/pogi, akala mo sobrang ganda/pogi kung makapang-irap eh kaya ka lang naman tumitingin sa kanya dahil yung kulangot sa ilong kita na o yung buhok sa ilong parang bagong rebond (kapansin-pansin). Merong maarte na akala mo naka-taxi na sobrang arte ayaw magpatabi at pagdumikit ang katawan or legs mo sa kanya akala mo parang bulateng nilagyan ng asin. Ang pinakaayaw kong maarte, eh yung babaeng magsusuot ng maiksing palda tapos kung makahila pababa akala mo sinisilipan mo (pero minsan aksidente lang naman talagang napapatingin kaming mga lalaki - pramis!). Tapos habang hinihila nya pababa, nakatingin sayo na para bang masama kang espiritu na tinataboy nya. Sa susunod kung ayaw nyo masilipan wag kayo magmaikli. On second thought, pwede rin naman pero instead na panty ang isuot nyo brief na lang para mandiri yung makakasilip or pwede rin magcycling kayo tapos lagpas tuhod para wala ng mag-attempt na manilip sa inyo kasi upo pa lang kita nang naka-cycling kayo.
The Hitman/hitwoman - Eto yung mga pasaherong ayaw makatabi ng karamihan. Men, kung di pa kayo nakaka-eksperyins wag nyo ng naisin. Dahil bukod sa titiklop yung ilong nyo eh may 93% chance na mahawa pa kayo (pero xempre imbento ko lang yun di pa naman nangyari yun sa mga tinabihan ko - wala pang anghit si Jess). Isa sa mga di ko makakalimutan is yung, alam mo naman sa sarili mo na may putok ka, bakit kailangan itaas mo pa yung kamay mo sa bar ng jeep. Parang nag-aamok ka ng away gamit yung kili-kili mo. Magkano ba naman ang rexona na nasa sachet (naks, tama spelling ng sachet. Akala ko kasi sashey), mura lang naman or kung walang budget pwede naman ang walang kamatayang tawas. Ang tawas ay mabibili mo sa kahit saang tindahan, kahit nga sa mercury meron and don't panic, its organic. Mura na epektib pa plus merong particles na makakapagpaputi ng iyong kili-kili eto yung gluta ng kili-kili. Yun nga lang di kayang pigilan ng tawas ang pagpapawis ng kili-kili.
The Windrunners - Oo tama ka! Sila nga! Sila yung mga taong may mahahabang buhok na nakalugay at feel na feel nilang tinatangay ang mga buhok nila sa katabi nila. Naisip ko minsan, baka walang blower sa bahay kaya sa Jeep nagpapatuyo ng buhok. Pero minsan badtrip eh, yung natutulog ka tapos nakakanganga ng di sinasadya then makakain mo yung buhok nya. Badtrip men! Wala namang flavor ang buhok eh.
The Religious - Minsan ganito ako. Yung naka-pikit na akala mo nagdadasal pero tulog pala. Di ko hahabaan yung description para fair....sa akin. LOL! Eto yung mga pasahero na, natutulog dahil sa pagod sa byahe or umaalis ng maaga sa bahay dahil sa layo ng office/school/pupuntahan galing sa bahay kaya natutulog kami, este sila sa byahe. Kailangan din naman intindihin nyo yung mga nagpapahinga sa byahe. Wala naman bawal diba? Ngiyahaha.
The Soloist - Eto yung mga pasahero na nag-iisa na walang kasama (kaya nga nag-iisa dahil kung may kasama yun nagkakasama tawag dun). Sila yung mga walang naririnig sa paligid, mga taong hindi marunong mag-abot ng bayad at higit sa lahat may sariling mundo.
The Optimist - Klase ng manyak sa jeep na very optimistic na sana magbreak ng malakas para makapanyantsing sa katabi. Sila yung very positive ang vibes dahil na-eexcite sila sa katabi nila. Mapatrapik, maulan, mabagal, malakas magbreak o kahit anong sitwasyon ba basta may pagkakataon na matsatsansingan nila si miss beautipool, masaya na sila. Oh di ba napaka-optimistic nila?
The Pessimistic - Mga pasaherong lahat ng bagay na nasa loob ng jeep kinaiinisan. Driver, music, bilis ng takbo, katabi, sukli, kaharap na pasahero, ibang pasahero, pagtigil ng jeep at higit sa lahat yung buhay nila. Eto yung mga taong mahirap makatabi dahil bukod sa nakaka-apekto yung vibes nila, kadalasan sila yung panget (ang ugali).
The Guardian Angel - Halos lahat ata naka-experience na ng ganitong pasahero. Sila yung mga nakikibasa ng text message mo, nakikibasa ng post mo sa fb, nakikitingin sa mga bina-browse mo sa phone mo o di kaya kung anong ginagawa mo habang nasa jeep ka. Halos lahat ng ginagawa mo, tinitignan nila. Minsan nga ang sarap, magtype ng "pare nakita ko na yung target natin, katabi ko. Itutumba ko na?". Punyeta!
The Heartstoppers - Nagpapasalamat ako sa taas dahil never ko pang na-experience ang mga pasaherong eto. Sila yung pagnakasabay mo sa jeep, mapapatigil ang puso mo. Bakit kanyo? Dahil maririnig mo ang magic word na "holdap to!". Pagnaka-encounter ka ng ganitong pasahero, GG na (dota term na goodgame). Bakit GG? Sinasabi ng mga dota players pagtapos na ang laban. Ibig sabihin may matatapos sayo, kung hindi yung cellphone mong bagong bili worth wantawsan milyon o bagong sahod ka o inuwi mo yung laptop na bagong issue sayo o di kaya....huwag naman sana. Pagnaka-encounter nyo sila ibigay nyo na lang kung anong meron kayo, dahil walang material na bagay na hihigit pa sa buhay natin (naks biglang seryoso). Pero seriously, wag na kayo lumaban (unless siguro kung parak kayo pwede naman). Hanggat maaari iwasang makipagtalo dahil maari kayong makadamay.
The Magicians - Yep, sila nga! Eto yung mga pasaherong kamag-anak ng mga heartstoppers. Sila yung mga small time criminals na mga duwag di tulad ng mga hearstoppers na matatapang. Eto yung mga aspiring members ng "the eye", kung napanood nyo yung now you see me, sila yun...aspiring nga lang. Kaya huwag tayong masyadong busy sa cellphone natin. Maging alerto, be alert, laging handa, be happy...jollibee.
The Hitchhikers - Sila yung mga pasaherong hindi nagbabayad. Mga nakiki-hitch lang dahil sa mga kadahilang babanggitin. Una, nakalimutan nilang magbayad. Pangalawa, trip nilang ayaw magbayad. Pangatlo, ayaw magbayad. At panghuli, ayaw magbayad. Kadalasan sa mga pasaherong to, ayaw magbayad. Ayaw magbayad...yaw magbayad...w magbayad... magbayad...magbayad....gbayad...bayad..ayad...yad...ad..d....123 *poof*
- Di mo napansin na kulang ng aw magbayad, huwag mo na tignan..kulang nga.
At ang panghuli sa vocabolary ko...tenten tentenenen...
Mr/Ms Congeniality - Nakakahiya pero kung kilala nyo ako, di ko na kailangan e-describe to dahil exact trait ko to. Pero para dun sa mga di nakakakilala sa akin sasabihin ko na. *Ehem*. Kami yung mga pasaherong sumasabit kapag may matandang sumasakay, nag-aabot ng bayad sa mga pasaherong nagbabayad, mga pasaherong kapag nakita mo good-vibes kaagad, ngumingiti sa mga kapwa pasahero (di ngiting aso or manyak) at higit sa lahat approachable. Marami pa kaming mga magagandang katangian pero mahirap magbuhat ng bangko kasi mga down to earth kami. Kapag nakakita kayo nga mga tulad namin, huwag kayong mahiyang bumati, di kayo magsisisi.
Maraming klase ng pasahero, ikaw anong klase kang pasahero?

Monday, September 28, 2015

Episode 1

Ang Probinsyano bow. 

Kanina sa jeep habang bumabyahe pauwi, narinig ko yung dalawang pasahero na meron remake ang Probinsyano ni FPJ na gaganapin ni Coco Martin. Huwaw! Biglang nagflashback sa akin ang isang scenario sa pelikula na kung saan umiyak si Vandolph dahil magpapa-alam si FPJ para puntahan ang mga kalaban. Pero syempre joke lang yun dahil ang scene na sinabi ko ay sa walang matigas na tinapay sa mainit na kape. Napaisip ka ano kung totoo ba sinasabi ko sa scene na yun?
Bago ko simulan ang review sa "Ang probinsyano", bibigyan lang kita ng introduction sa pelikulang pilipino ng dekada 90s pagdating sa action. Una, laging may pulis na masama, kadalasan eto yung tatraydor sa bida or minsan sila talaga ang kontrabida. Isa sa mga main ingredient ng pelikulang pinoy. Pangalawa, laging may mamatay na malapit sa bida. Kung hindi kapatid, magulang, anak, kaibigan, gerlpren, kapitbahay, gerlpren, asawa at gerlpren pa ulet (minsan kasi may number 2 or 3 or 4 si bida). Pangatlo, ang kontrabida laging mayaman at maraming kotse at may swimming pool at may babae at yung babae kailangan nakapang ligo - swimsuit or two piece (depende kung gaano kagwapo yung kontrabida). Pang-apat, di ko alam kung napansin nyo mga ka 90s - laging may pansit sa pelikula. Di ko rin maintindihan bakit pansit, siguro dahil pampahaba ng buhay? Pero kadalasan pag may nagdala ng pansit, may mamatay sa scene na yun. Pangilan na ba? nalito na ako, may umaatake ng base ko sa COC. Ayun Panglima, ang mamatay na malapit sa bida ay nakakapagkwento pa ng talambuhay nya bago mawalan ng hininga. Sample, bida: Andoy wag kang bibitaw lumaban ka! Mabubuhay ka! Andoy: Berteng, naalala mo yung araw na magkakasama tayo noong bata pa tayo? Yung mga panahon na naliligo pa tayo sa batis sa may likuran ng bahay nila aling puring na dating kapitbahay natin sa probinsya na kinalakihan ni inang noong syay bata pa? Naalala mo ba berteng? Nalala mo!? (hahawakan ang kamay ng bida tapos ang bida titingin sa malayo tapos makikipagtitigan sa taong malapit ng mamatay). Andoy: naalala mo Berteng? Berteng: Oo nalalala ko, bakit Andoy? Andoy: wala lang natanong ko lang. Tumawag ka ba ng ambulansya? Berteng: hindi. kinausap mo kasi ako. Saka mawawalan ng hininga si Andoy at sisigaw ng malakas ang bida. At panghuli, Ang mga pulis kadalasan huling dumadating sa pelikula. Ubos na ang mga kontrabida. Lagas na. Minsan pa nga, ending credits na lumalabas kapag dumadating sila. Pansin nyo? Pero di naman sa lahat ng pelikula, kasi sa pelikula na Ang Probinsyano, di huling dumating ang pulis. Dahil ang ibang kalaban ay pulis at ang bida ay pulis.
Simulan na ang review! Sa wakas, eto na yung review sa ang Probinsyano. Sa pelikulang eto, dito ko lang napanood na namatay si FPJ. Kadalasan kasi di sya namamatay. Siguro sa 100 na pelikula, 99 dun buhay sya pero malay natin di ko lang napanood yung iba. Ulitin ko lang hindi dito namatay si FPJ, pero kung gagamitan ng technicality pwedeng consider na namatay sya kasi yung kambal nya naman yung nagtuloy ng kwento. Pinalabas lang nila na buhay para takutin ang mga kalaban. Sa pelikulang to ko lang din nalaman na may kambal pala si FPJ. Nagsimula ang kwento ng....the end.



Ang Probinsyano.