E-Jeep-tians:
Ilang years na rin akong sumasakay ng jeep, kung 24 ako ngayon siguro mga 25 years. Nasubukan nyo na bang sumakay kayo sa jeep na halos puno na tapos nung may makita kang space na sa tingin mo eh pwede nang magkasya yung dalawang pwet mo, kaya dun ka pupunta. Ang badtrip na part, alam na nga na uupo ka di pa rin aayos yung taong andun tapos parang di ka nag-eexist sa harap nya. Ayaw mag give way. Pag ganun, upuan mo yung hita nya, mapababae o lalaki para malaman nya na may taong uupo. 100% sure na epektib yun at di pumapalya. Nasubukan ko na? Hindi pa, yun kasi ginawa sa akin nung manong kanina kaya napagalaw ako, very epektib. Speaking of upo, meron akong nakasakay kanina na akala mo pinagyayabang nya yung brief nya na wala namang garter, kailangan ba pagnakaupo nakatalikod sayo akala mo nasa sofa amff. Ano ngayon kung hanes yan, kung yung garter parang bacon. Meron ding akala mo sobrang laki ng kargada, kung makabukaka eh kulang na lang sabihin nyang akin tong upuan na to. Gusto ko pa sanang ekwento ang adbentyur ko sa jeep kaso baka masayang ko na naman ang oras mo. Kaya next time na lang ulet.
Eto ang mga ibat ibang klase ng pasahero na ma-eencounter nyo sa jeep:
The Spotter - Eto yung mga lalaking pag katabi ay babaeng naka-blouse at may pagkakataon na masisilipan si gurl, siguardong hindi palalampasin. Kahit nababali na ang leeg kakasilip gagawin at gawin ang kagustuhan na makapanilip. Pag may nakita kayong ganito, huwag kayong matakot na pansinin tapos piktyuran or videohan para matuto. Huwag mag-alala di ka nila gagalawin dahil yang mga yan, takot silang mahuli. Bakit ko alam? retired member ako (LOL).
The Artistic - Eto yung mga pasaherong maarte. Maraming klase ng maarte sa jeep. Maarte na feeling maganda/pogi, akala mo sobrang ganda/pogi kung makapang-irap eh kaya ka lang naman tumitingin sa kanya dahil yung kulangot sa ilong kita na o yung buhok sa ilong parang bagong rebond (kapansin-pansin). Merong maarte na akala mo naka-taxi na sobrang arte ayaw magpatabi at pagdumikit ang katawan or legs mo sa kanya akala mo parang bulateng nilagyan ng asin. Ang pinakaayaw kong maarte, eh yung babaeng magsusuot ng maiksing palda tapos kung makahila pababa akala mo sinisilipan mo (pero minsan aksidente lang naman talagang napapatingin kaming mga lalaki - pramis!). Tapos habang hinihila nya pababa, nakatingin sayo na para bang masama kang espiritu na tinataboy nya. Sa susunod kung ayaw nyo masilipan wag kayo magmaikli. On second thought, pwede rin naman pero instead na panty ang isuot nyo brief na lang para mandiri yung makakasilip or pwede rin magcycling kayo tapos lagpas tuhod para wala ng mag-attempt na manilip sa inyo kasi upo pa lang kita nang naka-cycling kayo.
The Hitman/hitwoman - Eto yung mga pasaherong ayaw makatabi ng karamihan. Men, kung di pa kayo nakaka-eksperyins wag nyo ng naisin. Dahil bukod sa titiklop yung ilong nyo eh may 93% chance na mahawa pa kayo (pero xempre imbento ko lang yun di pa naman nangyari yun sa mga tinabihan ko - wala pang anghit si Jess). Isa sa mga di ko makakalimutan is yung, alam mo naman sa sarili mo na may putok ka, bakit kailangan itaas mo pa yung kamay mo sa bar ng jeep. Parang nag-aamok ka ng away gamit yung kili-kili mo. Magkano ba naman ang rexona na nasa sachet (naks, tama spelling ng sachet. Akala ko kasi sashey), mura lang naman or kung walang budget pwede naman ang walang kamatayang tawas. Ang tawas ay mabibili mo sa kahit saang tindahan, kahit nga sa mercury meron and don't panic, its organic. Mura na epektib pa plus merong particles na makakapagpaputi ng iyong kili-kili eto yung gluta ng kili-kili. Yun nga lang di kayang pigilan ng tawas ang pagpapawis ng kili-kili.
The Windrunners - Oo tama ka! Sila nga! Sila yung mga taong may mahahabang buhok na nakalugay at feel na feel nilang tinatangay ang mga buhok nila sa katabi nila. Naisip ko minsan, baka walang blower sa bahay kaya sa Jeep nagpapatuyo ng buhok. Pero minsan badtrip eh, yung natutulog ka tapos nakakanganga ng di sinasadya then makakain mo yung buhok nya. Badtrip men! Wala namang flavor ang buhok eh.
The Religious - Minsan ganito ako. Yung naka-pikit na akala mo nagdadasal pero tulog pala. Di ko hahabaan yung description para fair....sa akin. LOL! Eto yung mga pasahero na, natutulog dahil sa pagod sa byahe or umaalis ng maaga sa bahay dahil sa layo ng office/school/pupuntahan galing sa bahay kaya natutulog kami, este sila sa byahe. Kailangan din naman intindihin nyo yung mga nagpapahinga sa byahe. Wala naman bawal diba? Ngiyahaha.
The Soloist - Eto yung mga pasahero na nag-iisa na walang kasama (kaya nga nag-iisa dahil kung may kasama yun nagkakasama tawag dun). Sila yung mga walang naririnig sa paligid, mga taong hindi marunong mag-abot ng bayad at higit sa lahat may sariling mundo.
The Optimist - Klase ng manyak sa jeep na very optimistic na sana magbreak ng malakas para makapanyantsing sa katabi. Sila yung very positive ang vibes dahil na-eexcite sila sa katabi nila. Mapatrapik, maulan, mabagal, malakas magbreak o kahit anong sitwasyon ba basta may pagkakataon na matsatsansingan nila si miss beautipool, masaya na sila. Oh di ba napaka-optimistic nila?
The Pessimistic - Mga pasaherong lahat ng bagay na nasa loob ng jeep kinaiinisan. Driver, music, bilis ng takbo, katabi, sukli, kaharap na pasahero, ibang pasahero, pagtigil ng jeep at higit sa lahat yung buhay nila. Eto yung mga taong mahirap makatabi dahil bukod sa nakaka-apekto yung vibes nila, kadalasan sila yung panget (ang ugali).
The Guardian Angel - Halos lahat ata naka-experience na ng ganitong pasahero. Sila yung mga nakikibasa ng text message mo, nakikibasa ng post mo sa fb, nakikitingin sa mga bina-browse mo sa phone mo o di kaya kung anong ginagawa mo habang nasa jeep ka. Halos lahat ng ginagawa mo, tinitignan nila. Minsan nga ang sarap, magtype ng "pare nakita ko na yung target natin, katabi ko. Itutumba ko na?". Punyeta!
The Heartstoppers - Nagpapasalamat ako sa taas dahil never ko pang na-experience ang mga pasaherong eto. Sila yung pagnakasabay mo sa jeep, mapapatigil ang puso mo. Bakit kanyo? Dahil maririnig mo ang magic word na "holdap to!". Pagnaka-encounter ka ng ganitong pasahero, GG na (dota term na goodgame). Bakit GG? Sinasabi ng mga dota players pagtapos na ang laban. Ibig sabihin may matatapos sayo, kung hindi yung cellphone mong bagong bili worth wantawsan milyon o bagong sahod ka o inuwi mo yung laptop na bagong issue sayo o di kaya....huwag naman sana. Pagnaka-encounter nyo sila ibigay nyo na lang kung anong meron kayo, dahil walang material na bagay na hihigit pa sa buhay natin (naks biglang seryoso). Pero seriously, wag na kayo lumaban (unless siguro kung parak kayo pwede naman). Hanggat maaari iwasang makipagtalo dahil maari kayong makadamay.
The Magicians - Yep, sila nga! Eto yung mga pasaherong kamag-anak ng mga heartstoppers. Sila yung mga small time criminals na mga duwag di tulad ng mga hearstoppers na matatapang. Eto yung mga aspiring members ng "the eye", kung napanood nyo yung now you see me, sila yun...aspiring nga lang. Kaya huwag tayong masyadong busy sa cellphone natin. Maging alerto, be alert, laging handa, be happy...jollibee.
The Hitchhikers - Sila yung mga pasaherong hindi nagbabayad. Mga nakiki-hitch lang dahil sa mga kadahilang babanggitin. Una, nakalimutan nilang magbayad. Pangalawa, trip nilang ayaw magbayad. Pangatlo, ayaw magbayad. At panghuli, ayaw magbayad. Kadalasan sa mga pasaherong to, ayaw magbayad. Ayaw magbayad...yaw magbayad...w magbayad... magbayad...magbayad....gbayad...bayad..ayad...yad...ad..d....123 *poof*
- Di mo napansin na kulang ng aw magbayad, huwag mo na tignan..kulang nga.
At ang panghuli sa vocabolary ko...tenten tentenenen...
Mr/Ms Congeniality - Nakakahiya pero kung kilala nyo ako, di ko na kailangan e-describe to dahil exact trait ko to. Pero para dun sa mga di nakakakilala sa akin sasabihin ko na. *Ehem*. Kami yung mga pasaherong sumasabit kapag may matandang sumasakay, nag-aabot ng bayad sa mga pasaherong nagbabayad, mga pasaherong kapag nakita mo good-vibes kaagad, ngumingiti sa mga kapwa pasahero (di ngiting aso or manyak) at higit sa lahat approachable. Marami pa kaming mga magagandang katangian pero mahirap magbuhat ng bangko kasi mga down to earth kami. Kapag nakakita kayo nga mga tulad namin, huwag kayong mahiyang bumati, di kayo magsisisi.
Maraming klase ng pasahero, ikaw anong klase kang pasahero?
- Di mo napansin na kulang ng aw magbayad, huwag mo na tignan..kulang nga.
No comments:
Post a Comment