Monday, September 28, 2015

Episode 1

Ang Probinsyano bow. 

Kanina sa jeep habang bumabyahe pauwi, narinig ko yung dalawang pasahero na meron remake ang Probinsyano ni FPJ na gaganapin ni Coco Martin. Huwaw! Biglang nagflashback sa akin ang isang scenario sa pelikula na kung saan umiyak si Vandolph dahil magpapa-alam si FPJ para puntahan ang mga kalaban. Pero syempre joke lang yun dahil ang scene na sinabi ko ay sa walang matigas na tinapay sa mainit na kape. Napaisip ka ano kung totoo ba sinasabi ko sa scene na yun?
Bago ko simulan ang review sa "Ang probinsyano", bibigyan lang kita ng introduction sa pelikulang pilipino ng dekada 90s pagdating sa action. Una, laging may pulis na masama, kadalasan eto yung tatraydor sa bida or minsan sila talaga ang kontrabida. Isa sa mga main ingredient ng pelikulang pinoy. Pangalawa, laging may mamatay na malapit sa bida. Kung hindi kapatid, magulang, anak, kaibigan, gerlpren, kapitbahay, gerlpren, asawa at gerlpren pa ulet (minsan kasi may number 2 or 3 or 4 si bida). Pangatlo, ang kontrabida laging mayaman at maraming kotse at may swimming pool at may babae at yung babae kailangan nakapang ligo - swimsuit or two piece (depende kung gaano kagwapo yung kontrabida). Pang-apat, di ko alam kung napansin nyo mga ka 90s - laging may pansit sa pelikula. Di ko rin maintindihan bakit pansit, siguro dahil pampahaba ng buhay? Pero kadalasan pag may nagdala ng pansit, may mamatay sa scene na yun. Pangilan na ba? nalito na ako, may umaatake ng base ko sa COC. Ayun Panglima, ang mamatay na malapit sa bida ay nakakapagkwento pa ng talambuhay nya bago mawalan ng hininga. Sample, bida: Andoy wag kang bibitaw lumaban ka! Mabubuhay ka! Andoy: Berteng, naalala mo yung araw na magkakasama tayo noong bata pa tayo? Yung mga panahon na naliligo pa tayo sa batis sa may likuran ng bahay nila aling puring na dating kapitbahay natin sa probinsya na kinalakihan ni inang noong syay bata pa? Naalala mo ba berteng? Nalala mo!? (hahawakan ang kamay ng bida tapos ang bida titingin sa malayo tapos makikipagtitigan sa taong malapit ng mamatay). Andoy: naalala mo Berteng? Berteng: Oo nalalala ko, bakit Andoy? Andoy: wala lang natanong ko lang. Tumawag ka ba ng ambulansya? Berteng: hindi. kinausap mo kasi ako. Saka mawawalan ng hininga si Andoy at sisigaw ng malakas ang bida. At panghuli, Ang mga pulis kadalasan huling dumadating sa pelikula. Ubos na ang mga kontrabida. Lagas na. Minsan pa nga, ending credits na lumalabas kapag dumadating sila. Pansin nyo? Pero di naman sa lahat ng pelikula, kasi sa pelikula na Ang Probinsyano, di huling dumating ang pulis. Dahil ang ibang kalaban ay pulis at ang bida ay pulis.
Simulan na ang review! Sa wakas, eto na yung review sa ang Probinsyano. Sa pelikulang eto, dito ko lang napanood na namatay si FPJ. Kadalasan kasi di sya namamatay. Siguro sa 100 na pelikula, 99 dun buhay sya pero malay natin di ko lang napanood yung iba. Ulitin ko lang hindi dito namatay si FPJ, pero kung gagamitan ng technicality pwedeng consider na namatay sya kasi yung kambal nya naman yung nagtuloy ng kwento. Pinalabas lang nila na buhay para takutin ang mga kalaban. Sa pelikulang to ko lang din nalaman na may kambal pala si FPJ. Nagsimula ang kwento ng....the end.



Ang Probinsyano.

No comments:

Post a Comment